Image hosted by Photobucket.com

Monday, December 20, 2004

Mission Accomplished!

Grabe!!! Kung nakakamatay lang ang sobrang pagbibihaye, kahapon pa ko patay!!!!!!!!!!!!!

Anyway, in case you're wondering, galing akong ng Umiray, Dingalan, Aurora. May relief operation kasi ung NSTP-CDRC namin doon. Ung ibang detalye tungkol dito nabanggit ko na sa previous entry ko...

Ang ididiscuss ko dito ung adventure namin at ung mga bagay-bagay na ginawa namin...

Una sa lahat, outnumbered ang block 4. Apat lang kami dun... ako, si mariam, si david at si marnie. Tapos ung block 3, 8 ata... si Ron, si Porfi, si Kat, si Charlon, si Aimee, si Monica, si Patrick, at si Danjun. Saya!! Actually, napagtanto ko na masaya din palang kasama an block 3. Lalo na sila Danjun... may pagkajoker kasi siya. Sila Ron at Porfi ang madalas kong kasama, kasi mga batingawer sila at medyo sanay na ko sa kanila...

Sige, para hindi mahirap at magulo, gawin nating chronological ang sequence...

Ang usapan, 6 ang alis sa CDRC. So mga 5:30 andun na ko. Excited noh? Di naman, napaaga lang talaga ako... tapos isa-isa nanag nagsidatingan ung mga tao. Bali mga 9 na kami umalis dahil ung driver ay wala pa. Niway, nakita ko dun si Kua Jojo Samen. Siya ung president ng isang org sa UPD noong 4th year highschool pa ko. Ung org na to, ay para sa mga taga UPD na taga-bataan. Nakalimutan ko ung name e... Niway, sila( ung org m mismo) ung tumulong samin sa application forms sa UP. Tapos si Kua Jojo ay schoolmate ko. Kaya natandaan ko siya. K?

Ok, tapos umalis na kami... e di nagbibiyahe na kami... sa may bandang nueva ecija ata un (di me sure), huminto kami para bumili ng food sa isang maliit at over-priced eatery. Wala naman kaming choice e... so bumili kami ng pagkain don (sa may gasoline station ang stop-over namin para kumain...). E wala naman kaming utensils, as in walang plato, kutsara o tinidor. Kaya napagtripan namin ni Pofri na manghiram (read: manjekwat) ng spoon n fork. Na nagawa naman namin. tapos kumain na kami at nagbihaye uli.

Tanghali na ng makarating kami ng Dinggalan, pero magtratravel pa ulit kami papuntang Umiray. So hinintay namin ung "service" namin. Mga 6 na kami nakaalis dun, at habang naghihintay ay nagkwentuhan kami ni Mariam. Madami kaming napagkwentuhan kaso di ko na isasama. Tapos, sa wakas, dumating na ang service vehicle namin, at isa siyang dump truck. Ung ginagamit sa pagdedeliver ng buhangin, semento, graba atbp. Either ung dump truck o maglakad kami. Kaya nagdump truck nalang kami. Masaya naman e. Nakarating kami sa site mga 8 na. Ang sakit sa katawan! SOBRA! Pero masaya. Ang daming fireflies tsaka lamok. Pagkatapos nun, naggroup kami ng tigtatatlo. Ang kagroup ko sila marnie at mariam. Tapos isinama na kami sa bahay na tutuluyan namin as a group. Ang samin nun (marnie, mariam at ako) ay ung kila Nanay Elvie. BAit nga nila e. Dun nila kami pinatulog sa papag samantalang ung iba sa sahig lang. Bukas daw ung simula ng relief operation at dapat 8 ay ready na.

Kiabukasan, late ang gising namin. May nauna na sa site, at sumunod na lang kami. Dun nga pala kami nakiligo sa nag-iisang bahay na fortnate enough para marating ng tinatawag na gripo. Iniigib pa kasi ung tubig ng iba. Tapos sumunod na kami sa field. Kami, ang trabaho namin ay sa pagreregister ng mga taong kumukuha ng mga reliefs. Minsan magulo, minsan maayos. Pero natapos din naman siya. Ang pinamigay naming reliefs ay 1200 lamang, smantalang ang mga tao daw dun ay mga 4000. Kaya naman sa mga talagang affected kami namigay. Kumain kami ng lunch ng matapos na. Tapos bumalik sa mga bahay-bahay. Ang usapan ay babali ng mga 3 para sa pagpunta namin sa pinaka-affected na lugar. Ito ung Nakar.

So alas 3 umalis kami. Para makapunta sa nakar, kailangan magbangka. Tig 9-10 ang capacity ng bangka. Una nakakatakot kasi walang pangbalanse ung bangka at maaari siyang tumaob kung sobra kang liliyad sa isang side. In da long run, nakarating kami sa nakar ng buhay. Tapos pinababa na kmi, sinabi samin na hubarin ang tsinelas at maputik kasi. Lulubog daw ang tsinelas at mahihirapan kaming kuhanin ung. Grabe understatement ang "MAPUTIK KASI"! Para kaming lumusong sa bukid! Hanggang tuhod ang nilubog namin! Silt daw kasi ung lupa, ung finest soil galing sa bundok.

Ang masaya pa sa lahat, pagkita namin sa isang grupo (kinabibilangan ng elderly at ng nanay ni mariam...) ay hindi man lamang sila naputikan. Pwede naman palang magbaba sa hindi masyadong maputik e... Niway, siguro ok na din un para masabing adventure ang ginawa namin.

Ruins nalang talaga ang natira sa Nakar. Totally washed-out ung area. Dati daw ang ganda ganda nun. Maraming cottages. Pero ngayon, wala na talaga. ng konti tapos umalis din kami. Nagboat ride uli, pero ngayon, masconfident na at pagod. Tapos, naubusan ng gasolina ung boat namin at kami ay nagpahila na lamang sa naunang boat samin. Ang usapan, 8 magkikita kami para sa final assessment.

Sa Final assessment, nagsabi lang ng mga observations and suggestions ung mga tao. Medyo matagal din. Tapos naglaro kami ng billiards. Nagkwentuhan ng mga bagay-bagay. Ala una na kami natulog ni yam dahil nagkwentuhan ulit kami...

Kinabukasan na ang uwi namin. Normal lang naman. at least hindi na truck ung sinakyan namin pabalik.

Kaso, nastranded kami ng pagsamantala dahil kailangan namin hintayin ung kabilang grupo na na-assign sa Dika. Hinintay namin sila habang ng naglalaro ng cards at nag-iingay. Tapos nangolekta kami ng bato sa pangpang ng Pacific Ocean! (nabanggit ko bang ang dagat sa Aurora ay ang Pacific Ocean?) Ang ganda! Promise! Kulay blue ung tubig kahit malapit pa...

Hindi ko na maisama ang ibang datalye...kasi naman, limited lang ang tym e. Tsaka ang kinukwento ko lang ung adventures, hindi pa ung mga kulitan sessions namin.

Back on track..

HApon na kami nakaalis at 12 na kami nakarating dito sa manila kaya sa CDRC na lang nagstay ung iba samin. Kasama ako dun. Tsaka si Porfi, aimee, si nica, si Danjun at si Patrick. Ngayong umaga na kami umuwi ng tuluyan. Sobra! Pagod...

Syempre, imposible naman na pumunta kami sa isang lugar ng walang nakikilalang bago... ito ung ilang sa kanila...

Si Kua Mark- taga upd. Kalog! Siya ang kunong nagbabantay samin at ang nagtapos ng masasayang oras namin sa pampang ng pacific ocean. Siya ang madalas naming kasama. Masaya siyang kasama...

Si ate Tarik- ang laging kasama ni kua mark. Laging pinagdidiskitaha ni Danjun. Mukhang mabait...at mabait.

Xavier- long-haired guy. Tahimik. Sobra. Isang beses ko lang siyang narinig na tumawa. ung lumusong kami sa putikan, siya ang pinakamaputik...

Halifi- sa medical team siya, doctor ata... Singaporean...

Madami pang iba... kaso nakalimuan ko ung name nila. May mga doctors, head-nurse sa pgh atbp.

At nga pala... si ma'am julie, paboritong ulam...ADOBO!!! Pinurga niya kami sa adobo!!!

Adobo...lagi na lang adobo. Sa gabi adobo. Sa relief, adobo. Adobo, adobo, adobo!!!

HAHAHAHAHAHA!!!!!

Saya! Kwawa naman ang hindi sumama! U missed more than half of ur life!!!








Labels: , ,

Tuesday, December 14, 2004

HIndi ko alam kung sinusumpong na naman ako ng pag-iinarte ko o talagang iritable lang ako ngayon. Isama mo na sa mga factor ung kung ano mang nangyayari sa mga friends ko ngayon. Christmas pa naman. Shit!

Aside from that, I feel worthless! I can see and feel what is happening around me. Even if I don't know every detail of the story, I know something critical is happening (or happened already..) that will for sure affect, directly or indirectly, me. And the simple fact that I can't help the situation is really disturbing. It's unfair. They are my friends, and for the first time in my life I'm incapable of helping.

What? I'm I suppose to sit down and enjoy the show? Let them do things their way if you, given the right informations, can help even just a little bit? I'm not promisising to solve things out. It's just that, I want a part of it too. She is my friend anyway. They are all my friends.

In the long run, maybe it's just my fault. I've kept my distance from the other part of the group for quite awhile. I used to think that their issues are not for me to intervene. And that's true. Before this, I'm really quiet and passive when the other group's issues are in question. But I think this current issue is different. Those people invlove are extremely close to me. And I don't have the slightest idea of what's gonna happen to them. I don't have the slightest idea of how to help either.

Labels: ,

Sunday, December 12, 2004

Disaster Struck

Masaya ako bago saturday. In fact, masaya ako kahit ung umaga ng saturday. Masaya ako until narinig ko ang balita na magkakaroon ng relief operation sa Aurora ang aking minamahal na nstp-cdrc. Saglit lang, mga three days lang naman. So ibig sabihin, pagkatapos ng relief operation na to, tapos na ang NSTP namin. As in, hindi na kami kailangan pang magpakita kahit isang beses pagkatapos ng operation na to, kasi mauubos na namin ang oras na kailangan namin macomplete. Ang nakakatuwa sa lahat, for all days, napili nila ang December 18, 19, at 20. Ito lang naman po ang date ng Christmas Party ng Batingaw... at ng date ng camp ng KKB.

Para masaya, ung Christmas Party ng Batingaw ay once in a year overnyt party by a swimming pool. Ung camp namin ay once ( at minsan, talagang hindi natutuloy) na camping ng mga youth sa lugar namin. Kung sasama ako sa Aurora, mamimiss ko itong dalawang ito. Kung hindi ako sasama sa Aurora, ibig sabihin kailangan ko pang magcomplete ng another 50 hours habang ang mga kasama ko ay nagpapakasiya sa buhay. Ang hirap magdecide. Sa mga ganitong pagkakataon, sana may mga taong nagdedecide para sa iyo. Pero kahit merong taong willing magdecide, alam ko naman na ako pa rin ang masusunod sa bandang huli kasi alam kong ako pa rin ang makakaranas ng kung ano mang outcome ng gagawin ko...

Gusto kong sumama sa Aurora, adventure yun e. Iyon ang dahilan kung bakit CDRC (community disaster response center) ang pinili ko. Masaya rin namang tumulong sa kapwa mo di ba. Iba ung feeling na nandun ka sa lugar na un at actual na tumutulong. Bukod pa dun, maagang matatapos ang NSTP ko... alam kong kung isip ang pagaganahin, sa NSTP ako pupunta...

Kaso, gusto kong sumama sa batingaw. Minsan rin lang kasi un e. Tapos alam kong nandun din sila FF at Roan. Kung nasa Aurora ako ng mga kapanahunang iyo, alam kong ang isip ko ay nasa Batingaw pa rin at nag-iisip kung ano ng ginagawa nila. Kahit hindi pa ko nagpapaalam dahil alam kong hindi naman ako papayagan, decided na kong pumunta--noon.

Tapos itong last, ung much awaited KKB camp. Buong taon kong hinintay, sinubaybayan at inasamsam. Pero mukhang hindi ako makakasama. Ang camp nga pala namin ay 20-21. Ang Xmas Party ay 18-19, baka 19-20 pa nga e... di me sure. Ibig sabihin, kung saka-sakali, sa 19 or 20 ako makakauwi. Ibig sabihin, pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay lalayas na naman ako kung gusto kong magcamp. Kapag ginawa ko 'to, more or less hahambalusin na ko ng nanay ko sa mga pinaggagawa ko. Grabe! Hectic ng schedule ko!!!!!!!!!!!

Anyway, hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta sa mga events na to. Ang alam ko lang, I can't be at different places at the same time. At kung ano man ang mapili kong puntahan, it's final na I'll miss something, unless mamove ang mga dates nila na mukha namang imposible dahil patapos na ang taon...

BAHALA NA!

Labels: , ,


Me: tHe bAsIcS


RiA fEiNnA nAsUa
21 YeArS OlD
09165470526
ria_nasua18@yahoo.com
rfnasua@gmail.com

My ScHoOls
BePz MuLtInAtIoNaL ScHoOl
UP MaNiLa (BA PolScI)

UP DiLiMaN (JuRiS DoCtOr)

My AfFiLiAtIoNs
KKB
SVCF
TPON
(The Philippine Order of Narnians)
CuMLaSoC
LoW CaL



Shelfari: Book reviews on your book blog


He's Got the Whole World in His Hands...
Get your own calendar
...He got my life in it as well


PLANET SHAKERS lyrics



QUOTATION FOR LIFE

"The blue sky is infinitely high and crystal clear"--SamuraiX

"...To obtain, something of equal value must be lost."--FullMetal Alchemist; 1st Law of Equivalent Exchange

My SoUrCe Of StReNgTh

"I can do all things through Christ who strenghtens me."

Philippians 4:13


ThIs sItE HaS BeEn ViSiTeD

Powered by Blogger

Template by cielo.ice.queen

Customized by me