Image hosted by Photobucket.com

Friday, November 14, 2008

isang araw, sa buhay ni faye-chan...

Haay...ano ba yan. Nakakalungkot naman...may klase pa man din ako bukas ng umaga. Nakakatamad na tuloy mag-aral. Alas-dos na ng madaling araw at eto ako ngayon, nagbla-blog. Hindi din naman ako makakatulog e. Haay buhay talaga...

Sige na, sige na. Sarili ko rin naman talaga ang dapat kong sisihin e. Nakakaasar lang talaga dahil kailangan pa ng mga ganitong pagkakataon para lang magpursigi ako. Tsk..tsk... Hambalos kung hambalos lang e.

In fairness, masakit pala. Masakit talaga kapag natatamaan ang ego. To think na hindi naman ako egoistic na tao. Sheesh. Sa kabilang banda, ayos na din lang. May mga taong mas masaklap ang kalagayan kaya hindi ako dapat magdrama. Mataas ako masyado magmarka, alam ko, pero madali rin lang ako makatanggap ng hindi kanais-nais na pangyayari...kaya okay lang. Makakangiti pa rin ako bukas...habang nagrerecite...hehe... (ayoko ngang magrecite! Hindi pa ako tapos magbasa e!)

Bakit naman kasi napaka-importante sa buhay ng isang tao ang grades e. (Oo, litanya to tungkol sa grades, ngayon mo lang ba napasin?? O_O) HIndi naman sinusukat ng grades ang pagkatao, ung kaalaman lang ng taong iyon sa isang paksa. Napakaliit ng kalahagahan nun kung ikukumpara mo sa aspeto ng isang indibidwal bilang tao. Bakit sobrang importansya ang binibigay dito?? Hmph! Sige na, sige na, bitter lang ako. Pero kahit na... self-proclaimed GC ako so may karapatan akong magbitter ng konti. Hehe...

Masasabi ko lang, hindi pa tapos ang laban. May in-adopt akong statement nang pumasok ako sa lawskul na ito: it takes an entire semestre to fail. That's enough time to prevent it. Hehe... uulitin ko...hindi pa tapos ang laban!

O siya, may naghihintay pa sa akin na labin-anim na kaso na kailangang basahin at i-digest. 9 nang umaga ang klase ko...ala-una y medya na ngayon. Kumusta naman yan??? O_O


**C pipol, tandaan...lumayo sa mga matataas na lugar, lubid, at matatalas na bagay. Iwasang mag-isa habang nakikinig ng mga nakakalungkot na musika. Kapag sa mga pagkakataong na pawang may bumubulong sa inyong saktan ang ating mga guro...sige lang...go lang... hehe...joke. Kaya natin 'to!





Me: tHe bAsIcS


RiA fEiNnA nAsUa
21 YeArS OlD
09165470526
ria_nasua18@yahoo.com
rfnasua@gmail.com

My ScHoOls
BePz MuLtInAtIoNaL ScHoOl
UP MaNiLa (BA PolScI)

UP DiLiMaN (JuRiS DoCtOr)

My AfFiLiAtIoNs
KKB
SVCF
TPON
(The Philippine Order of Narnians)
CuMLaSoC
LoW CaL



Shelfari: Book reviews on your book blog


He's Got the Whole World in His Hands...
Get your own calendar
...He got my life in it as well


PLANET SHAKERS lyrics



QUOTATION FOR LIFE

"The blue sky is infinitely high and crystal clear"--SamuraiX

"...To obtain, something of equal value must be lost."--FullMetal Alchemist; 1st Law of Equivalent Exchange

My SoUrCe Of StReNgTh

"I can do all things through Christ who strenghtens me."

Philippians 4:13


ThIs sItE HaS BeEn ViSiTeD

Powered by Blogger

Template by cielo.ice.queen

Customized by me